Paano mag-trade sa mga financial market
PagpaparehistroSimulan sa ilang madaling hakbang
Pagpaparehistro
Gumawa ng libreng trading account gamit ang email address mo o magbigay lang ng awtorisasyon sa pamamagitan ng Google account mo.
Madali lang ang pagpaparehistro. Puwede kang mag-sign up gamit ang email address o ang Google account mo.
Piliin ang pinakakomportableng opsyon at magpatuloy sa pagpaparehistro ng account mo. Tandaan na kung magsa-sign up ka sa pamamagitan ng Google, maaaring kailangan mong i-reset ang password mo rito para makapag-log in sa PO TRADE account mo gamit ang email at password.
Pag-verify
Kumpletuhin ang proseso ng pag-verify sa account mo.
Ang pag-verify ay isang kinakailangang paraan upang protektahan ang iyong account at pondo mula sa hindi awtorisadong pag-access at isang pagsunod sa lahat ng regulasyong pinansiyal at kinakailangan sa AML.
Para makumpleto ang pag-verify ng account pagkatapos ng pagpaparehistro, pumunta sa profile mo. Ilagay ang personal mong impormasyon at mag-upload ng dokumento na nagpapatunay ng pagkakakilanlan at address mo.
Ire-review at kukumpirmahin ang iyong account kapag lahat ay naibigay nang tama, na magbubukas sa iyo sa lahat ng feature na iniaalok ng platform ng PO TRADE!
Magdeposito
Magdagdag ng pondo sa iyong trading account balance sa pamamagitan ng paggamit ng pinakakomportableng paraan ng pagdeposito. Ang oras ng pagproseso ay depende sa napiling opsyon.
Pagkatapos ma-verify ang account mo, magiging accessible na sa'yo ang lahat ng available na paraan ng pagdeposito. Pumili ng opsyon na angkop sa'yo at sundin ang mga tagubilin para makumpleto ang pagbabayad. Depende sa paraang napili, posibleng tumagal nang ilang oras bago ma-credit sa trading account mo sa PO TRADE ang bayad.
Mnagyaring tandaan na alinsunod sa Kasunduan sa Pampublikong Alok at pati na rin sa mga patakaran ng AML, maaari kang mag-withdraw ng mga pondo sa pamamagitan ng mga pamamaraan na dati mong ginamit para sa pagdedeposito sa iyong trading account.
Pagti-trade
Madaling simulan ang pagti-trade sa PO TRADE! Pumili ng trading asset, mag-set up ng angkop na uri ng chart, at gumamit ng mga indicator para sa technical market analysis. Magtakda ng halaga sa pag-trade, timeframe, at mag-buy o mag-sell.
Gumamit ng mga built-in signal at charting tool para mas maging tumpak ang forecast mo. Puwede mong subaybayan lagi ang mga open position mo at i-monitor ang trading session history mo sa "Trades" menu.
Tingnan ang aming komprehensibong Gabay sa Platform upang malaman pa ang tungkol sa mga serbisyo sa pagti-trade na ibinibigay ng PO TRADE.
Kita
Kung tama ang forecast mo sa pagbubukas ng trade, makakatanggap ka ng profit. Awtomatikong idadagdag sa balanse ng trading account mo ang halaga sa pagti-trade at ang nakuhang profit.
Ang bawat tamang pag-forecast ay nagreresulta sa tubo - ang orihinal na na-invest na halaga ng trade order kasama ang nabuong tubo (alinsunod sa ipinakitang aset payout na %) ay awtomatikong idadagdag sa iyong account balance.
Pangasiwaan nang maayos ang kita mo — magpatuloy sa pag-invest o i-withdraw ang profit mo. Sundin ang mga patakaran sa money management, suriin ang mga strategy, at i-optimize ang mga ito ayon sa mga kasalukuyang kondisyon ng market. Magbasa pa tungkol sa mga strategy sa trading dito.
Pag-withdraw
Puwede kang mag-withdraw ng pondo mula sa trading account mo anumang oras nang walang limitasyon sa halaga kung wala kang aktibong deposit bonus.
Kung mayroon kang aktibong deposit bonus na hindi pa nagagamit, ibabawas mula sa balanse mo ang halaga ng bonus. Makikita sa seksyong Mga Promo Code ang impormasyon tungkol sa mga bonus at ang progress ng pagkumpleto ng mga rekisito.
Para mag-withdraw ng pondo, magsumite ng kahilingan sa pag-withdraw at gamitin ang paraang dati mong ginamit sa pagdeposito. Nakadepende sa paraang pinili mo ang tagal ng pagpoproseso ng kahilingan sa pag-withdraw.
Chat
Ang chat ay isa pang eksklusibong feature na inaalok ng PO TRADE. Makipag-ugnayan sa serbisyo ng support at makatanggap ng tugon sa isang napapanahong paraan, makipag-usap sa iba pang trader, lumikha ng iyong sariling mga chat group. Makakuha ng agarang impormasyon sa analytics, manatiling nakasubaybay sa mga pinakabagong balita at promo.
Tunay na karanasan sa social trading sa iyong mga kamay.
Babala sa Risk:
May mga kaakibat na risk ang pag-invest sa mga produktong pinansyal. Hindi ginagarantiya ng nakaraang performance na magkakaroon ng mga profit sa hinaharap, at maaaring paiba-iba ang mga halaga dahil sa mga kondisyon sa market at mga pagbabago sa mga underlying asset. Reference lang ang anumang forecast o ilustrasyon at hindi garantiya ang mga ito. Hindi itinuturing na imbitasyon o rekomendasyong mag-invest ang website na ito. Bago mag-invest, humingi ng payo mula sa mga propesyonal sa pananalapi, legal na propesyonal, at propesyonal sa pagbubuwis, at suriin kung naaangkop ba sa mga goal, risk tolerance at sitwasyon mo ang mga produkto. Ang website na ito ay hindi nagbibigay ng serbisyo sa mga residente ng mga bansang kasama sa EEA, USA, Israel, UK, Pilipinas, Japan at Brazil.